![]()
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suspensyon sa pagpapatupad ng dagdag singil sa pasahe.
Sa video message, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang Department of Transportation na suspindihin muna ang fare hike.
Idinagdag ni Marcos na dapat munang ipagpaliban ang taas-pasahe dahil nasa gitna tayo ng sitwasyon na kailangang patuloy na alalayan ang mga commuter, partikular ang mga manggagawa at estudyante na gumagamit ng transport system.
Una nang inanunsyo kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong increase sa minimum na pasahe sa traditional jeepneys habang dalawampiso sa modern jeepneys.
Kasama rin sa pinayagang magtaas ng pasahe ang airport taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), at Metro Manila at provincial buses.
