Inihayag ng Dep’t of Energy na magpapatuloy pa ang pagtaas-baba sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ito ay dahil sa pagtanggal ng oversupply sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC+), kaya’t balansyado na ang supply at demand ng krudo.
Tinukoy ding mga pangunahing indikasyon ang paghihintay ng OPEC+ sa produksyon hanggang Oktubre, at ang US interest hike na kung saan ang susunod na review ay sa Disyembre pa isasagawa.
Kaugnay dito, sinabi ni Abad na mananatiling volatile o pabago-bago ang presyo ng langis sa mga susunod na linggo.