dzme1530.ph

Swedish Embassy sa Baghdad, Iraq, dinagsa ng protesters

Nilusob ng mga protesters ang Swedish Embassy sa Baghdad, Iraq

Ayon sa Swedish Foreign Ministry Press Office, nag-ugat ang galit ng mga iraqi nang sunugin ng isang lalaki sa Stockholm sa Sweden ang kopya ng Quran sa labas ng Mosque kasabay ng pagdiriwang ng Eil-Al-Adha o Feast of Sacrifice.

Dito na nag-utos si Iraqi Shia Cleric Muqtada Al-Sadr na magsagawa ng kilos protesta sa naturang embahada para patalsikin ang Swedish ambassador sa Baghdad.

Sa report ng mga otoridad, maayos naman ang kalagayan ng nasabing ambassador at ang mga empleyado ng embahada. —sa ulat ni Jam Tarrayo

About The Author