dzme1530.ph

Sweater ni Princess Diana, naibenta sa halagang $1.14-M

Nabili sa halagang $1.14-M ang sweater ng dating Princess of Wales na si Princess Diana sa isang fashion auction sa New York.

Ayon sa Sotheby’s Auction, nagsimula sa $200,000 ang bid sa sheep jumper sweater noong Agosto 31.

Sa pahayag ng naturang auction house, akala nila mabibili lamang ito sa halagang $80,000 ngunit laking gulat na lamang ng mga ito nang umabot $1.14-M ang bid sa naturang sweater.

Samantala, si Kim Kardashian ang nakabili ng isa pang sweater ni Princess Diana sa halagang $203,000. –sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author