Maraming benepisyo ang makukuha sa pagkain ng talbos ng kamote.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng dahon ng kamote na inihahalo sa ilang putahe o ginagawang ensalada ay mapagkukunan ng mga bitaminang gaya ng vitamin A, B, at C.
Taglay din ng talbos ng kamote ang protina, fiber, zinc, calcium, at phosphorus na mainam upang mapabuti ang kalusugan.
May mga sakit at kondisyon din na maaaring makatulong ang pagkain ng dahon ng kamote gaya ng diabetes at epekto ng free radicals sa katawan.
Nakatutulong din ang pag-inom ng pinaglagaang dahon ng kamote upang manumbalik ang nasirang platelets sa katawan dahil sa sakit na dengue.