dzme1530.ph

Suspensyon sa VAT at excise tax, inihirit ng iba’t ibang grupo sa gitna ng oil price hike

Loading

Nanawagan ang iba’t ibang grupo sa pamahalaan na suspindihin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo.

Binigyang diin ni PISTON President Mody Floranda na walang saysay ang subsidiya ng gobyerno kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng oil products.

Paliwanag ni Floranda, ₱550 ang nawawala sa arawang kita ng jeepney driver, at sa loob aniya ng 25-araw, katumbas ito ng ₱7,000 hanggang ₱8,000.

Marami aniya sa mga tsuper ang hindi nakatatanggap ng subsidiya, noon at ngayon.

Samantala, sa bahagi naman ni Atty. Teofilo Guadiz III, Chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinabi nito na kapag hindi consolidated ang jeepney ay wala itong permit to operate sa mga ruta, at hindi rin kasama sa mga benepisyaryo ng gobyerno.

About The Author