dzme1530.ph

Suspensyon sa proklamasyon ng 19 na kandidato, ipinag-utos ng Comelec

Loading

Ipinag-utos ng Comelec en banc ang suspensyon sa proklamasyon ng 19 na local at national candidates na may kinakaharap na mga reklamo sa poll body.

Ginawa ni Comelec Chairperson George Garcia ang anunsyo, kahapon, sa pagsasara ng voting period para sa midterm elections.

Sinabi ni Garcia na ito muna ang inaksyunan agad ng poll body pagkatapos nilang i-convene ang national Board of Canvassers.

Sinampahan ng Comelec ang ilang mga kandidato bunsod ng iba’t ibang dahilan, kabilang na ang vote-buying at paglabag sa anti-discrimination resolution ng poll body.

About The Author