dzme1530.ph

SUSPENSYON O REDUCTION NG EXCISE TAX SA LANGIS, NAIS AGAD IPATUPAD NG PANGULO, AYON SA MALAKANYANG

Loading

Kinumpirma ng Malacañang na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad ipatupad ang pagbabawas o pagsuspinde sa excise tax sa produktong petrolyo.

 

Gayunman, nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi pa nilalagdaan ng Pangulo ang panukala na nagbibigay sa kanya ng awtoridad na suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.

 

Paliwanag ni Castro na hindi pa nakararating sa Malacañang ang enrolled bill na inaprubahan ng Kongreso.

 

Gayunman, tiniyak ni Castro na sa sandaling malagdaan ang panukala ay agad mag-iisyu ng direktiba ang Pangulo kung sususpindihin o babawasan ang excise tax.

About The Author