dzme1530.ph

SUSPENSYON O PAGBABAWAS NG EXCISE TAX, DAPAT GAWIN KAPAG UMABOT NG DALAWANG LINGGO ANG MATAAS NA PRESYO NG KRUDO

Loading

MAGSUSULONG ng pagbabago sa ilang probisyon sa binubuong panukala para sa emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senador Panfilo Lacson upang mas maging epektibo ang hakbang sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay Lacson, isusulong niya na sa halip na hintayin nag isang buwan na may average 80 dollars per barrel o pataas ang presyo ng krudo ay gawin na lamang itong dalawang linggo upang suspindihin o ibaba ang excise tax.

 

Ito anya ay upang mas mabilis na maramdaman ng taumbayan ang tulong mula sa gobyerno at hindi naman magtagal ang paghihirap sa pagbabayad ng napakamahala na langis.

 

Tanong ni Lacson na kung isang buwan ang monitoring bago bawasan ang excise tax, gaano pa katagal bago ito magreflect ang bawas sa singil sa krudo.

 

Kung tutuusin, hindi masyadong malaki ang mababawas sa singilin sa produktong petrolyo kung matapyas ang excise tax subalit mas may epekto ito sa koleksyon ng gobyerno na maaaring makabawas din sa pondo sa ibang programa ng pamahalaan.

 

Pero paalala ng senador na kahit kapos na sa pondo ang gobyerno, obligasyon nitong magbigay ng ayuda sa mga pinakaapekto ng pagtaas ng presyo.

About The Author