dzme1530.ph

Suspensyon ng Permit to Carry Firearms sa SONA ng Pangulo sa July 28, maagang inanunsiyo ng PNP

Loading

Bilang bahagi ng mahigpit na seguridad, maagang nag-abiso ang Philippine National Police ukol sa  suspensiyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa buong bansa sa Ika-4 na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Batay sa abiso ng PTCFOR Secretariat ng PNP, epektibo ang suspensyon mula 12:01a.m. hanggang 11:59 ng gabi ng July 28.

Layon nito na maiwasan ang mga posibleng banta sa kapayapaan at kaayusan ng taunang ulat sa bayan ng Pangulo.

Matatandaang, mahigit 22,000 na pulis ang ipinakalat ng isagawa ang SONA 2024, upang tiyakin ang seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City at mga kalapit na lugar.

About The Author