Suportado nina Senador JV Ejercito at Cynthia Villar ang kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na suspindihin mga reclamation activities sa Manila Bay.
Ito ay habang nirerepaso pa ng DENR ang mga kontrata kaugnay sa reclamation projects.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, natutuwa siya sa desisyon ng Pangulo.
Isa anya itong magandang balita sa mga nangangamba sa malawakang pagbaha na maidudulot sa Metro Manila ng reclamation.
Mahigpit na tinututulan ni Villar ang reclamation activities sa Manila Bay dahil nangangamba siyang bahain ang maraming lugar sa Las Piñas City dahil wala nang dadaluyan ang tubig kapag bumuhos ang malakas na ulan.
Sinabi naman ni Ejercito na 100% niyang sinusuportahan ang pagsuspinde ng Pangulo sa reclamation.
Una rito, iginiit ni Ejercito na nakalulungkot na sa halip na sariwang hangin ay buhangin na ang nalalanghap sa Manila Bay. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News