dzme1530.ph

Suspended Mayor Alice Guo, pokus pa rin ng imbestigasyon ng senado

Tiniyak ni Sen. Risa Hontiveros na mananatiling pokus ng kanilang pagsisiyasat si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo kahit marami pang Alice Guo ang lumutang.

Sinabi ni Hontiveros na mahalagang matututukan ng imbestigasyon laban Mayor Guo dahil siya ang tanging Chinese na naging alkalde sa Pilipinas.

Ang reaksyon ni Hontiveros ay makaraang lumitaw na may isa pang Alice Guo ang kumuha ng NBI Clearance noong 2005 subalit ang kanyang fingerprint ay hindi nagtugma sa specimen ng isa pang Alice Guo at ni Guo Hua Ping.

Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa panibagong Alice Guo.

Subalit hindi anya nito mabubura ang katotohanan na may matching fingerprints si Mayor Guo at Guo Hua Ping na pumasok sa bansa noong siya ay bata pa at kasama ang mga Chinese na magulang.

About The Author