Hindi na dumalo si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ikaapat na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay sa POGO operations.
Sa impormasyong ibinigay ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, maysakit at stressed si Guo kaya hindi muna makahaharap sa pagdinig ng komite.
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi nakadalo si Guo sa pagdinig ng Senado.
Samantala sa pagsisimula ng pagdinig, agad iprinisinta ni Sen. Risa Hontiveros ang ilang dokumento na nakuha nila sa National Bureau of Investigation.
Ito ay may kinalaman sa dokumento rin ng isa pang Alice Leal Guo sa database ng NBI na kapareho rin ng birthday ng suspendidong alkalde na July 12, 1986 subalit magkaiba ang mukha.
Tanong ni Hontiveros kung maituturing itong isyu ng stolen identity makaraang una nilang matukoy na ang tunay na pagkakakilanlan ng alkalde ay si Guo Hua Ping mula sa Special Investment Resident Visa (SIRV) application ni Lin Wen Yie.