dzme1530.ph

Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, binalaang iisyuhan ng warrant of arrest ng Senado

Nagbabala ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na hindi siyang mag-aatubiling isyuhan ng warrant of arrest si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay kung babalewalain ng alkalde ang ipinalabas na subpoena laban sa kanya para sa hearing sa POGO operations.

Sa halip na humarap sa pagdinig kahapon, nagpadala ng liham ang alkalde sa kumite at iginiit na nagkaroon siya anxiety bunsod ng mga alegasyon laban sa kanya.

Inihayag pa ni Guo sa sulat na hindi siya fit para humarap sa hearing dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan.

Hindi naman ito kinagat ni Hontiveros at iginiit na alam ng kumite ang kapasidad ng alkalde sa pagdalo sa hearing.

Dahil dito hiniling ng senadora na padalhan ng subpoena ang alkalde at ang ilan pang resources person na sina Nancy J. Gamo, Chuck Lopez Uy at iba pa.

Tanging si dating Deputy Director ng TLRC nasi Dennis Cunanan lamang ang hindi papadalhan ng subpoena dahil sa dumating ang abugado nito sa senado bilang representative.

Sinegundahan naman ni Senador Sherwin Win Gatchalian ang mungkahi ni Hontiveros na padalhan ng subpoena ang alkalde at ilang resource person na bigong dumalo sa pagdinig.

About The Author