dzme1530.ph

Suspek sa pananaksak ng 15-anyos sa Maynila, iniharap sa publiko

Loading

Ini­harap sa publiko ang suspek na si Richard Francisco, 52-anyos at isang watch technician, na sumaksak at nakapatay sa 15-anyos na si Chustin Serbo Ignacio sa gitna ng kaguluhan noong Setyembre 21 sa Recto Avenue at Quezon Boulevard.

Ayon sa pulisya, ipinagtanggol umano ni Francisco ang kanyang tindahan matapos subukang guluhin ng ilang kabataan ang mga establisyemento sa kanilang lugar. Matapos ang insidente, boluntaryo itong sumuko sa Barbosa Police Station at ngayon ay nasa kustodiya ng MPD Homicide Section para sa mas malalim na imbestigasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mayor Isko Moreno sa pamilya ng biktima at nanawagan sa kabataan na makinig sa kanilang mga magulang upang maiwasan ang ganitong trahedya.

Giit ng alkalde, hindi kailanman maibabalik ang buhay na nawala.

About The Author