dzme1530.ph

Suspek sa pagpatay sa Lebanese national, kusang sumuko sa pulis

Loading

Kusang sumuko sa tanggapan ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Lebanese national noong Nobyembre 23, 2025.

Kinilala ang suspek na si Ramil, residente ng Gapan City, Nueva Ecija, na kusang isinuko ang kanyang sarili dakong 10:30 ng umaga kahapon sa Baliwag City Police Station.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director BGen. Rogelio Penoñes, inamin mismo ni Ramil ang pagbaril kay Mr. Khalil noong Nobyembre.

Bukod sa kanyang pagsuko, bitbit din ni Ramil ang isang caliber 9mm pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen, na magsisilbing pangunahing ebidensya sa pag-usad ng proseso sa korte.

Matatandaan na naganap ang insidente noong Nobyembre 23, 2025, sa pagitan ng 7:00 at 7:11 ng gabi sa loob ng isang village sa Baliwag City.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa posibleng motibo ng krimen, at tiniyak ni Penones na magiging masinsinan ang imbestigasyon habang sinusunod ang tamang proseso.

Inihahanda rin ang pagsasampa ng kaukulang kaso habang patuloy ang pagkalap ng dokumento at testimonya na magpapatibay sa pagresolba ng kaso.

About The Author