dzme1530.ph

Surprise drug tests, isinusulong ng bus operators

Loading

Hinimok ng grupo ng bus operators ang pamahalaan na magsagawa ng surprise random drug test sa mga driver, sa halip na regular drug testing.

Ayon kay Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association, dapat ay surprise palagi ang drug tests para mahuli ang mga tsuper na gumagamit ng bawal na gamot.

Kinuwestiyon din ni Yague ang proposal ng Department of Transportation (DOTr) na limitahan sa apat na oras kada araw ang pagmamaneho ng PUV drivers, sa pagsasabing dapat ding ikonsidera ng gobyerno ang traffic sa Metro Manila.

Idinagdag nito na hindi praktikal ang apat na oras na biyahe ng mga tsuper dahil isa o dalawang oras ang nasasayang sa biyahe dahil sa traffic.

About The Author