dzme1530.ph

SURIGAO DEL SUR AT ILANG BAHAGI NG SURIGAO DEL NORTE, NASA ILALIM NG WIND SIGNAL NO 1 DAHIL SA TROPICAL DEPRESSION BASYANG

Loading

Napanatili ng Tropical Depression Basyang ang lakas nito habang kumikilos pa-timog-kanluran sa silangan ng Mindanao.

 

Sa advisory ng PAGASA kaninang 11 am, taglay pa rin ng Tropical Depression Basyang ang lakas ng hangin na 55 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 kilometer per hour. 

 

Kumikilos ang Tropical Depression sa bilis na 15 kilometer per hour.

 

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Surigao del Sur at sa Eastern Portion ng Surigao del Norte partikular sa Claver, Gigaquit, Bacuag kasama na ang Siargao-Bucas Grande Islands.

 

Muling maglalabas ng advisory ang PAGASA hinggil sa Tropical Depression Basyang mamayang 5pm.

About The Author