dzme1530.ph

Supreme Court, walang inilabas na immediate TRO sa petisyon nina FPRRD at Sen. dela Rosa laban sa pakikipagtulungan ng mga ahensya sa ICC

Loading

Hindi naglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) kaugnay ng petisyon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald Dela Rosa na humihiling na pagbawalan ang mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) at sa imbestigasyon nito sa war on drugs.

Sa petisyon na inihain noong Martes, sa mismong araw na inaresto si Duterte sa bisa ng warrant mula sa ICC at sa request mula sa Interpol, hiniling din sa SC na pagbawalan ang gobyerno na magpatupad ng warrants, summons, at requests.

Sa statement, inihayag ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting na nabigo ang mga petitioner na ma-establish ang “clear and unmistakable right” na dahilan para sa agarang paglalabas ng TRO.

Gayunman, nilinaw ni Ting na may posibilidad pa rin na maglabas ang Kataas-taasang Hukuman ng temporary restraining order.

Kaugnay nito ay inatasan ng Korte Suprema ang mga respondent na mag-komento sa petisyon nang hindi lalagpas sa 10-araw mula nang matanggap nila ang notice.

About The Author