![]()
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon na labag sa saligang batas ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na nakarating sa Senado.
Sa en banc ruling, ibinasura with finality ang motion for reconsideration ng House of Representatives para baligtarin ang July 25, 2025 decision na nagdeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Duterte.
Nanindigan ang mga mahestrado na ang fourth impeachment complaint na na-transmit sa Senado noong Feb. 5, 2025 ay bawal na base sa Article XI, section 3, at subsection 5 ng konstitusyon.
Ayon sa Supreme Court unanimous ang desisyon ng mga mahestrado, maliban kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na hindi nakibahagi, at si associate Justice Maria Filomena Singh na on leave naman.
