dzme1530.ph

Supreme Court, pinagtibay ang batas na nag-urong sa BSKE sa November 2026

Loading

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) en banc ang legalidad ng Republic Act 12232, na nagpapalawig sa termino ng barangay officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng apat na taon.

Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Jhosep Lopez, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang consolidated petitions na kumukwestiyon sa legalidad ng batas na nag-reschedule ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ipinahayag ng SC na ang batas ay hindi tungkol sa pagpapaliban sa eleksyon, at ang pag-reschedule ng halalan ay nagkataon lamang.

Ayon sa Korte Suprema, sa ilalim ng Article 10 Section 8 ng Konstitusyon, binibigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng termino ng barangay officials.

Mula Dec. 1, 2025, iniurong ang petsa ng susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Nov. 2026.

About The Author