dzme1530.ph

Supreme Court, pinababayaran sa Makati City LGU ang P1.26-B na tax deficiency sa BIR

Nagbaba ng direktiba ang Korte Suprema sa Pamahalaang Lungsod ng Makati na bayaran ang tax deficiency nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Batay sa naging desisyon ng Third Division ng Korte Suprema, inuutusan nito ang siyudad na bayaran ang BIR na umaabot sa P1.26-B kasama na ang interes.

Sakop ng tax deficiency ay ang mga taon ng 1999 hanggang 2001 na nasa P1.05-B at P217.81-M mula 2002 hanggang 2004.

Una dito, kinuwestyon ng Pamahalaang Lungsod ang ginawang tax assessment ng BIR dahil walang natanggang na utos mula sa BIR ang dating alkalde na si Mayor Elenita Binay dahilan kaya naghain ito ng kaso ngunit hindi naman sinang-ayunan ng Korte Suprema.

Magugunita na ito na ang ikalawang kaso ng Makati City LGU na natalo sa Supreme Court kung saan ang una ay ang pagkatalo nila sa boundary dispute laban sa Taguig City. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author