Iimbestigahan ng Supreme Court at papatawan ng sanctions ang mga indibidwal na nagpakalat ng maling impormasyon na naglabas ito ng Temporary Restraining Order (TRO) sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting, na iimbestigahan din ng Korte ang social media posts na nagsasaad na natanggap nito ang petisyon na humihiling ng pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Aniya, ang naturang “Acts of Disinformation”, kabilang na ang mga maling balita noong March 11, 2025, na nag-isyu ang SC ng TRO, ay “submitted for appropriate action.”
Tiniyak ni Ting na magpapatupad ang Kataas -taasang Hukuman ng mga hakbang, kabilang na ang pagpapataw ng mga kaukulang parusa sa mga responsable sa pagpapakalat ng fake news.