dzme1530.ph

Supreme Court, inatasan ang Malacañang at Kongreso na isumite ang original na kopya ng 2025 GAA

Loading

Inatasan ng Supreme Court ang Palasyo at dalawang kapulungan ng Kongreso na isumite ang orihinal na kopya ng 2025 General Appropriations Act (GAA) bago ang kanilang oral arguments sa petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng pambansang budget.

Pinasusumite ng Korte Suprema sa Malakanyang at sa Senado at Kamara, ang original copy ng 2025 General Appropriations Bill at ang enrolled version nito nang hindi lalagpas sa Feb. 24, araw ng Lunes, alas-12 ng tanghali.

Sa harap ito ng preliminary conference na isasagawa ng Kataas-taasang Hukuman sa Feb. 28, araw ng Biyernes.

Ang petisyon ay inihain ni dating executive secretary Victor Rodriguez at iba pang mga kaalyado ni dating pangulong Rodrigo Duterte, bunsod ng alegasyon ng mga iregularidad na labag umano sa 1987 Constitution.

About The Author