Nagkaisa ang iba’t ibang grupo at mga indibidwal para ipanawagan sa Supreme Court (SC) na obligahin ang Senado at Kamara na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties.
Sa Petition for Certiorari and Mandamus, hiniling nina 1SAMBAYAN Rep. Antonio Carpio, Sanlakas Rep. Marie Margerite Lopez, Advocates for National Interest Members at UP Law Class of 1975, sa Kataas-taasahang Hukuman na ipag-utos ang pagpasa ng batas na magde-define sa political dynasties.
Inihirit ng petitioners na i-contempt ng SC ang Kongreso kapag nabigo ang mga ito na tumalima sa desisyon ng Korte na may kinalaman sa pag-apruba sa naturang petisyon, sa loob ng isang taon.
Iginiit ng mga petitioner na tahasang sinabi sa 1987 Constitution na dapat ipagbawal ng estado ang political dynasties.
Ito rin ang kanilang sinisisi kung bakit lumala ang socio-economic development ng bansa.
Batay sa datos mula 2006 hanggang 2018, binigyang diin ng petitioners na halos 80% ng nasa Kongreso at mahigit 50% ng local government officials ay mula sa political families.