Nagtapos ang April 30 deadline para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program nang walang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang korte suprema.
Humirit ng TRO ang transport groups sa pangunguna ng PISTON upang pigilan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng naturang programa.
Dahil walang inilibas na TRO, nagtapos na ang consolidation kahapon at maari nang isulong ng gobyerno ang implementasyon ng modernisasyon sa pampublikong transportasyon.
Batay sa huling impormasyon mula sa supreme court, kasalukuyan pang nasa deliberasyon ang TRO petition.
Una nang inihayag ng pamahalaan na wala nang extension sa franchise consolidation na ang orihinal na deadline ay noong Dec. 31, 2023.