Inakusahan ng Pilipinas ang Chinese Coast Guard ng tangkang pagharang sa isang Filipino government vessel na magdi-deliver ng supplies sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa Scarborough ang BRP Datu Sanday para mag-supply ng fuel sa mga mangingisdang Pinoy noong Feb. 22 nang makaranas ng pangha-harass mula sa isang China Coast Guard vessel at tatlong iba pang barko ng Tsina.
Tatlo mula sa apat na Chinese vessels ang lumapit umano ng hanggang isandaang metro sa bow o unahan ng Datu Sanday.
Nakasaad din sa incident report ng PCG ang shadowing, vessel transponder jamming, at iba pang “dangerous maneuvers” na ginawa ng mga barkong China.
Inihayag naman ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore James Tarriela, na sa kabila ng mga pagha-harass ay naiwasan pa rin ng BRP Datu Sanday ang tangkang pagharang ng China.
Bago ito ay nakaranas din ng kaparehong pangha-harass mula sa China ang BRP Datu Tamblot, sa naturang lugar.