Tatapyasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila, simula sa Abril, para makatipid sa supply sa gitna ng epekto ng El Niño.
Ang kasalukuyang water pressure na 50 cubic meters per second ay ibababa sa 48 cubic meters per second simula sa April 16 hanggang 30.
Sinabi ni NWRB Engineer Susan Abano, Chief Policy and Program Division, na mababa pa ang rainfall projection na galing sa PAGASA kaya below normal pa ang lebel sa Angat Watershed.
Ipinaliwanag ni Abano na kapag hindi sila nagbawas ng alokasyon ay posibleng hindi na sila makapagsu-supply ng sapat na tubig para sa susunod na taon.