Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na stable pa rin ang supply ng fertilizer para sa Agriculture sector sa bansa sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Ginawa ng DA ang pahayag sa gitna ng mga pangamba sa posibleng epekto ng tensyon sa Gulf Region, kung saan matatagpuan ang Qatar, na isa sa major suppliers ng fertilizers.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maraming stocks ng fertilizer ang bansa hanggang sa matapos ang taon.
Idinagdag ng Kalihim na mayroon ding alternative sources ng fertilizers ang Pilipinas, gaya ng Russia at Brunei Darussalam.