dzme1530.ph

“SUPORTA SA BAYAN DESK,” UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang “Suporta sa Bayan Desk” o SBD, ang centralized public assistance program ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

 

Ang SBD ay layong ilapit sa tao ang mabilis at mas organisadong tulong ng gobyerno, na bahagi ng Alagang Kongreso institutional program.

 

Kabilang sa inisyatibang ito ang “Dakilang Yugto” na nagkakaloob ng suporta sa mga retired personnel, at ang HREP Executive Check-Up Program, para naman sa mas malawak na healthcare access sa mga opisyal at kawani.

 

Pinasalamatan ni House Majority Leader Sandro Marcos si Spkr. Dy sa pag-push sa programang direktang nakakatulong at may impact sa ordinaryong Pilipino na nangangailangan ng kalinga ng pamahalaan.

 

Aniya, ang SBD ang nagsisilbing “public-facing arm” ng Alagang Kongreso, kung saan pinadadali ang serbisyo ng bawat ahensya ng pamahalaan.

 

Ilan sa programa ay ang medical, funeral, transportation, at cash relief assistance.

 

Tinitiiyak din ng SBD na ang lahat ng requests ay na-track, lahat ng kaso ay naaaksiyonan, at bawat Pilipino na lumalapit ay tinatrato ng may respeto at dignidad.

About The Author