dzme1530.ph

Suporta ni PBBM sa Economic Charter Change, ikinatuwa ng mambabatas

Ikinasiya ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang pagsuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kamara kaugnay sa Economic Cha-cha.

Para kay Gonzales kung maaayos ang linguwahe ng “restrictive economic provisions” ng 1987 Philippine Constitution, ito ang magiging legasiya ng Pangulo at maging ng 19th Congress.

Umaasa ngayon ang Kapangpangan Legislator na magbabago na ang kapalaran ng Cha-cha na palaging na lang dead-on-arrival sa Senado.

Inamin ni Gonzales na sa idineklarang suporta ni Pangulong Marcos sa Economic Cha-cha, mas lalong sumidhi ang kanilang adhikain na tapusin ang misyong ito sa kanyang termino.

Binigyang-linaw din nito na hindi Kamara ang nagbigay ng ‘March deadline’ para tapusin ng Senado ang pagtalakay sa RBH no. 6.

Mismong si Senate Speaker Juan Miguel Zubiri umano ang nagsabi na kaya nilang pagtibayin sa buwan ng Marso ang RBH no. 6.

Inulit din nito ang pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Majority Leader Mannix Dalipe Jr. na sa oras na matapos ng Senado ang RBH no. 6 ay agad itong ia-adopt ng Kamara.

About The Author