dzme1530.ph

Suporta ng Kamara sa 20K bagong guro, magtutuloy-tuloy —Speaker Romualdez

Loading

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa 20k bagong guro, ang tuloy-tuloy na paglalaan ng pondo para sa mga ito sa 2026.

Sa ilalim ng liderato ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., pinayagan ang hiring sa 20,000 new public school teaching positions ngayong taon bilang bahagi ng transformative step sa edukasyon at broader goal sa national job creation.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang funding nito ay nanggagaling sa Department of Education’s Build-in Appropriations sa ilalim ng “New School Personnel Positions” program ngayong 2025.

Sa pagbubukas ng 20,000 permanent gov’t positions, ibig sabihin may 20k pamilya rin ang may tiyak ng kita, at libong education graduates din ang nagkatrabaho lalo na sa mga probinsya.

Ang ganitong uri ng intervention ayon kay Romualdez ay lumilikha ng multiple solutions sa mga problema ng bansa.

About The Author