![]()
Suportado ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang ano mang hakbangin ni Pang. Bongbong Marcos Jr. para protektahan ang publiko sa epekto ng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Siniguro ni Dy na bukas ang Kamara na makipag-ugnayan sa Senado upang pag-aralan, at kung inakailangan amyendahan ang batas na magbibigay sa Pangulo ng sapat na power na ibaba ang excise tax sa fuel products sa panahon na mataas ang presyo nito.
Maging ang direktiba sa lahat ng gov’t offices na magpatupad ng kongretong hakbang upang makatip sa paggamit ng kuryente.
Sa huli nanindigan ang House Leader, na sa gitna ng hamon na kinakaharap ngayon, kailangang kumilos ang pamahalaan ng may malasakit, may pananagutan at may kahandaan.
Bilang pinuno ng Kapulungan handa si Dy na gampanan ang tungkulin upang matiyak na ang kapakanan ng mamamayan ang siyang pangunahing prayoridad.
