dzme1530.ph

Suplay ng bigas sa bansa, sapat ngunit nagkaka-problema lamang sa distribusyon

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas sa bansa, ngunit nagkakaroon lamang ng problema sa distribusyon.

Ayon sa Pangulo, hindi problema ang suplay dito sa Pilipinas dahil marami pa ring bigas ang hindi nailalabas nang tama.

Inihayag din umano ng Department of Agriculture (DA) na kanya ring pinamumunuan, na mas malaki ang magiging ani ngayong taon dahil naisasaayos na ang produksyon.

Sinabi ni Marcos na kailangan lamang ayusin ang sistema mula sa research and development, sa pagtatanim, sa pag-proseso at distribusyon, hanggang sa marketing o pagbebenta nito sa publiko.

Samantala, idinidagdag pa ni Marcos na nakikitang bababa na ang presyo ng bigas sa pagsisimula ng panahon ng ani. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author