Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat paghandaan nang mabuti ang Super Typhoon “Leon”.
Sa kanyang talumpati sa grand opening ng Maersk Optimus Distribution Center sa Calamba Laguna, sinabi ng Pangulo na nakalulungkot isipin na may bago na namang bagyo, gayong tinutulungan pa ring bumangon ang mga biktima ng bagyong “Kristine”.
Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na kailangan nang maghanda ng mga lokal na pamahalaan.
Mababatid na ngayon araw lamang ay lumakas na sa isang Super Typhoon ang bagyong “Leon”, at inaasahang tutumbukin nito ang extreme Northern Luzon. —ulat mula kay Harley Valbuena