Sinampahan ng kasong estafa ang aktres na si Sunshine Dizon at ang business associate nito na si Jonathan Rubic Dy dahil sa umano’y P10-M investment sa online sabong.
Inireklamo sina Dy at Sunshine ng magkaibigang Rogelio Fonacier at Benedicto Padua na nag-invest umano ng tig-P5-M sa online sabong business.
Kwento ng mga biktima, personal na dumayo sina Dy at Sunshine sa bahay ni Fonacier sa Camarines Norte at ipinakilala bilang “franchisee” ng Online Sabong Express sa probinsya.
Sinabi daw mismo ni Sunshine na itatalaga siyang tourism ambassadress sa lugar pagkatapos ng 2022 Elections kung kaya tiyak daw na magiging “sole capitalist” ang mga biktima sa lahat ng betting stations para sa lalawigan.
Nang maibigay na ng mga biktima ang P10-M investment, sinabi ni Dy na bibigyan ang dalawa ng “mother account” kung saan magkakaroon sila ng access sa Gcash accounts ng betting stations at makakakuha pa ng “two percent profit per month.”
Samantala, tikom pa rin ang kampo Sunshine kaugnay dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo