![]()
Ibinunyag ni Sunshine Cruz na kamakailan lamang ay dalawang acting projects ang kanyang tinanggihan dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa myasthenia gravis.
Sa Facebook post, ibinahagi ng aktres ang ilang masasakit na salita mula sa netizens tungkol sa kanyang appearance dulot ng kanyang autoimmune disease.
Ayon sa Mayo Clinic, ang myasthenia gravis ay nagdudulot ng paghina ng muscles at madaling mapagod.
Bagaman maaari itong mangyari sa kahit anong edad, mas common ito sa 40 years old sa mga babae habang 60 years old naman sa mga lalaki.
Sa isa sa screenshots na ibinahagi ni Sunshine, inakusahan siya ng netizen na nagpa-botox at ang pagbagsak ng kalahating bahagi ng kanyang mukha ang side effect.
Agad namang itinanggi ng aktres ang akusasyon at nanindigang dulot ito ng kanyang autoimmune disease, kaya madalas na bagsak ang kalahati ng kanyang mukha.
