![]()
Kontrolado na ng mga bumbero ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill na nagsimula noong Biyernes ng gabi.
Nagsagawa ang Philippine Air Force ng aerial operations simula kahapon ng umaga para sugpuin ang natitirang hotspots at apoy sa lugar.
Nag-deploy din ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Navotas City Government ng dalawang barge na may kargang water tankers at fire extinguishing equipment.
Ayon sa Environment Management Bureau-NCR, ang naturang sunog na pinalala ng mainit na panahon ay nagdulot ng haze sa Metro Manila at Bulacan.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog habang nilinaw ng Navotas City Government na hindi nila pag-aari ang landfill na isinara noon pang Agosto ng nakaraang taon dahil expired na ang prangkisa.
