dzme1530.ph

Sunog sa isang establisyimento malapit sa Puregold, QC, idineklara nang fire-out

Tuluyan nang naapula ang apoy mula sa sumiklab na sunog sa Puregold, Balintawak, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Batay sa unang impormasyon na ibinigay ni QC Fire District Investigator SFO1 Derrick Caranto, sumiklab ang apoy sa bahagi ng Puregold, kaninang alas-7:47 ng umaga at umabot ito sa unang alarma.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng BFP – QC Fire District, agad naapula ang apoy at idineklarang fire out kaninang alas-8:25 ngayong umaga.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na tumagas na langis sa bahagi ng kusina ng Mang-Inasal, na katabi ng Puregold, ang sanhi ng sunog at lumikha ng makapal na usok sa chimney kaya mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng naturang fast-food chain.

Bagamat hindi nadamay sa sunog ang Puregold, pansamantala muna itong isinara upang masiguro ang seguridad ng publiko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sanhi at ang halaga ng pinsala ng naturang insidente. –sa ulat ni Neil Miranda, DZME News

About The Author