dzme1530.ph

Sunog na container van, sagabal pa rin sa Ayala Bridge

Loading

Nananatiling nakaharang ang sinunog na container van sa Ayala Bridge, Maynila, matapos ang kaguluhan kahapon na kinasangkutan ng ilang kabataan at pulis sa gitna ng kilos-protesta laban sa korapsyon.

Ayon kay Police Lt. Col. Norman Patnaan ng MPD Station 7, ligtas na ang sitwasyon ngunit naghihintay pa ng go-signal mula headquarters bago tuluyang alisin ang container van.

Mahigpit ding nakabantay ang Bureau of Fire Protection at Manila Traffic and Parking Bureau, habang tanging maliliit na sasakyan pa lamang ang pinapayagang makadaan sa tulay.

Ang sinunog na container van ay nagsisilbing paalala ng matinding tensyon na sumiklab sa lungsod kahapon.

About The Author