Itinakda ng Pilipinas at European Union (EU) ang sunod na round of talks para sa Free Trade Agreement (FTA) sa Brussels, sa Hunyo.
Ito, ayon kay Trade Undersecretary Allan Gepty, kasunod ng negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Gepty na magkakaroon ng inter-sessional sessions upang mapabilis ang mga negosasyon.
Nito lamang Feb. 10 hanggang 14 ay nagsagawa ang Pilipinas at EU ng FTA negotiations sa Manila, kung saan tinalakay ang halos lahat ng key areas sa proposed FTA, gaya ng services, investments, trade remedies, at government procurement.
Oktubre ng nakaraang taon nang ipagpatuloy ng dalawang bansa ang FTA talks na natengga simula noong 2017.