Ipinag-utos na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang summary deportation ng 42 dayuhang nadakip sa ni-raid na POGO sa Bagac, Bataan noong Oct. 31.
Sa inilabas na memorandum, inatasan ni PAOCC Chairman at Executive Sec. Lucas Bersamin ang Dep’t of Justice at Bureau of Immigration na pangasiwaan ang deportation ng foreign nationals mula sa sinalakay na “Central One” illegal offshore gaming operation, na nagkukubli bilang business process outsourcing firm.
Ipinaba-blacklist na rin ang mga ito upang hindi na sila makabalik pa ng Pilipinas.
Mababatid na ang operasyon ay nag-resulta sa pansamantalang pagsibak sa pwesto kay PAOCC Spokesman Winston Casio matapos nitong pagsasampalin ang isang trabahador. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News