Nasa isang ospital at “nagpapahinga” si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, matapos mapagod sa ASEAN Summit.
Tugon ito ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, na siyang kasalukuyang pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa tanong kung na-admit ang 78-taong gulang na Sultan sa National Heart Institute sa Kuala Lumpur.
Sinabi ni Anwar na medyo napagod at kasalukuyang nagpapahinga sa naturang institute si Bolkiah, subalit hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye.
Simula 1967 ay pinamunuan na ng Sultan ang Oil-Rich Nation-Brunei sa Isla ng Borneo, at minsan ding itinuring na pinakamayamang tao sa buong mundo.