Posibleng lumagpas sa 2 million metric tons ang produksyon ng asukal sa bansa, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Mas mataas ito kumpara sa 1.782 million metric tons na tinayang output ng SRA para sa kasalukuyang cropping year.
Iniuugnay ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona ang positibong local output sa “intensive research, massive production at distribution of high-yielding varieties.”
Bukod sa resulta ng pinaigting na research, iniugnay din ni Azcona ang mas mataas na production output sa pag-reset ng harvest.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iurong ang sugar harvest simula Agosto hanggang Oktubre.