dzme1530.ph

Sudan, nasa bingit ng health crisis bunsod ng cholera outbreak

Loading

Nasa bingit ng public health disaster ang bansang Sudan dahil sa paglaganap ng cholera at iba pang nakamamatay na sakit, ayon sa International Rescue Committee (IRC).

Sa loob lamang ng isang linggo ay nakapagtala ang Health Ministry ng Sudan ng 172 katao na nasawi bunsod ng cholera outbreak, na ang karamihan ng mga bagong kaso ay sa Khartoum State.

Ayon sa Local Doctors, nagdulot ng power outages sa water purification stations ang drone attacks, dahilan para mapilitan ang mga tao na gumamit ng maruming tubig.

Inihayag ni IRC Country Director for Sudan, Eatizaz Yousif, na pinalala ng civil war na nasa ikatlong taon na, ang muling paglaganap ng cholera.

About The Author