dzme1530.ph

Substitution of candidate dahil sa pag-atras ng kandidato, ipinagbawal ng COMELEC

Ipinagbawal ng COMELEC En Banc ang substitution of candidates pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) kung ang dahilan ay pag-atras ng kandidato.

Ang filing ng COC para sa May 2025 midterm elections ay itinakda simula October 1 hanggang 8 ngayong taon.

Nilinaw naman ni COMELEC Chairman George Garcia na pinapayagan pa rin ang substitution pagkatapos ng filing ng COC, kung ang kandidato ay namatay o na-disqualify.

Gayunman, dapat aniya na ang substitute candidate ay kapareho ng apelyido ng namatay o nadiskwalipikang kandidato, o kaya naman ay galing sa kaparehong partido.

About The Author