Nanindigan si Senate President Francis Escudero na hindi dapat pagbigyan ang PhilHealth sa hirit na government subsidy sa susunod na taon.
Ipinaliwanag ni Escudero na mayroong ₱500-B na sobrang pondo ang PhilHealth kaya hindi niya nakikita ang pangangailangan nito ng subsidiya mula sa gobyerno.
Iminungkahi ng senate leader na ilaan na lamang ang subsidiya sa ibang programang pangkalusugan ng Department of Health at huwag lamang aniya sa PhilHealth.
Iginiit ni Escudero na kung pagbibigyan ang PhilHealth sa kanilang hirit ay palalakihin lamang ng Senado ang itatagong pera na mauuwi lang sa bulsa ng ilang opisyal at hindi naman gagamitin para sa tunay na layunin.
Hindi rin aniya makatarungan at hindi rin mahusay na pagpapasya sa paggamit ng pondo at fiscal space ng pamahalaan kung bibigyan pa ng subsidiya ang PhilHealth. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News