dzme1530.ph

Subscribers ng Netflix, pumalo sa record high na 232.5-M sa unang quarter ng taon

Pumalo sa record high na 232.5-M ang bilang ng subscribers ng Netflix sa unang quarter ng taon.

Iniulat ng streaming television giant ang quarterly profit na $1.3-B, alinsunod sa kanilang inaasahan.

Ipinagpaliban muna ng kumpanya noong first quarter ang malawakang crackdown sa pagse-share ng account passwords upang mapaganda pa ang experience ng subscribers.

Gayunman, inaasahang sisimulan na ng netflix ang pag-rollout ng kanilang options para sa paid password sharing ngayong second quarter. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author