dzme1530.ph

State sponsored agricultural smuggling, lumala pa sa unang taon ni PBBM sa pwesto

Mas tumindi pa ang state-sponsored agricultural smuggling sa bansa sa unang taon ng administrasyon.

Ito ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros bilang reaksyon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na magsagawa ng crackdown sa agricultural smugglers.

Ayon kay Hontiveros, bago pa ang direktiba ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI at Philippine Competition Commission bukod pa sa pagsisiyasat ng Kamara sa onion hoarding.

Maging sa intelligence report ni Prof. Clarita Carlos bago siya nag-resign bilang National Security Adviser, ay makikita na ang mga bagong personalidad na sangkot sa agricultural smuggling.

Subalit ang direktiba anya ng Pangulo ay para pa rin sa inisyal na pagsisiyasat.

Tanong tuloy ng mambabatas ay kung napag-iiwanan ba ang DA Secretary, kaya napag-iiwanan din ang sektor o patay-malisya na lamang ito.

Dahil dito, masasabi na lamang anya ng sinuman na ang sektor ng agrikultura na itinuturing ng Pangulo na nabalewala sa nakalipas na 30 taon ay patuloy pa ring hindi nabibigyan ng tamang atensyon sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Matagal na anyang nangyayari ang state-sponsored smuggling subalit lalo pa itong lumala sa ngayon. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author