dzme1530.ph

State of Public Health Emergency sa bansa, binawi na ni PBBM!

Binawi na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency sa bansa kaugnay ng COVID-19. 

Sa Proclamation No. 297, nakasaad na kanselado o wala nang bisa ang anumang kautusan, memoranda, at issuances kaugnay ng State of Public Health Emergency. 

Sa kabila nito, magiging valid pa rin sa loob ng isang taon ang lahat ng emergency use authorization na inilabas ng Food and Drug Administration alinsunod sa Executive Order No. 121, upang magamit pa rin ang lahat ng nalalabing COVID-19 vaccines ng bansa. 

Inutusan naman ang lahat ng ahensya na amyendahan ang kanilang mga polisiya, panuntunan, at regulasyon matapos ang pagbawi sa State of Public Health Emergency. 

Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency sa buong bansa noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author